Istorya Natin

Ano na nga ba tayo?
Saan tayo patungo?
Hindi ba’t kaylan lang, tayong dalawa ay nangako
Na sasabihin lahat. Na aaminin lahat
Walang itatago, walang magbabago

Pero asan na ba tayo?
Bakit bigla kang nagbago?
Bakit parang nawalan ng halaga ang lahat sayo?

Hindi ako sumuko, hindi ako naglaho
Ang daming tanong sa isip, Ang daming rason ng puso
Kaya tatanggapin ko, kahit na anong dahilan mo

Ikaw lang naman ang di makaramdam ng pagmamahal ko
Pero nakakapagod din pala
Sa sarili akoy naawa
Binigyan ka ng pagkakataon
Para ikaw ay maka ahon
Sa putik na mapag kunwari
Sa sagot na alam nating mali
Wala nga yatang dahilan para ako ay mahirapan
Dahil simula pa lang, sabi nila, lahat ay gamitan

Di ako kumibo, di ko pinakinggan
Dahil pagmamahal sayo ang tangi kong alam.
Pero puso ay napagod, Nagsawa sa pait
Di ito para sa atin, dala mo lang ay sakit
Wag kang mag alala. Napatawad na kita
Mas pipiliin ko pa rin na mabuhay ng masaya
Mahirap sa simula, sanay akong nandyan ka
Pero may wakas ang lahat. Katapusan ng ating istorya.

Mag-iwan ng puna