Hindi Ba Pwede?

Hindi ba pwede
Na ang tadhana ay umayon
Hindi ba pwede
Na ibalik ang kahapon
Hindi ba pwede
Na ang sugat ay maghilom
Hindi ba pwede
Na ang pag ibig ay yumabong

Ang daming dasal
Ang daming hiling
Subalit imposible
Na mapagbigyan ang nais
Alam kong mali
Ang sagot mong hindi
Pero pikit mata kong tinanggap
Kahit ang kapalit ay sugat

Hindi ko sila pinakinggan
Damdamin koy aking sinundan
Ngunit mayroon palang dahilan
Kung bakit mas mababa ang puso sa isipan

Hindi ba pwedeng humiling
Na ikaw ay makapiling
Hindi ba pwedeng walang kapalit
Bukod sa sakit at pait
Hindi ba pwedeng yumakap
Para makita ang aking hanap
Hindi ba pwedeng maramdaman
Pintig ng iyong puso kahit minsan lang

Nagmamaka awang lumapit sa iyo
Hindi alintana ang ulan at bagyo
Ngunit hindi mo pa rin pinansin
Ang aking munting hiling

Konting kalinga, konting pagibig
Konting atensyon sa alay kong daigdig
Sabi mo ay hindi pwede kaya akoy lumayo
Paalam mahal ko, ibibigay ko ang iyong gusto.

Masakit, mahirap, tagos hanggang kaluluwa
Ang malayo sayo at isipin na wala na
Pero wala akong magawa, di ko pwedeng diktahan
Ang gusto ng iyong puso na akoy ay lumisan
Hindi ba pwedeng umalis ng walang nasasaktan?
Hindi ba pwedeng magmahal?
Hindi ba pwedeng akin ka na lang?

Mag-iwan ng puna