Sabi Nila

Sabi nila, kapag umibig ka, kapalit nito ay saya

Sabi nila, kapag umibig ka, hindi ka maghahanap ng iba

Pero paano kung mali ang pag ibig?

Paano kung mali ang pagkakataon?

Paano kung mali ang panahon?

Itutuloy mo pa ba? Sasabihin mo pa ba na “mahal kita”?

Kahit alam mo sa sarili mo na hindi tama

Kahit madami silang haka haka

Kahit sarili ay inilalayo

Sa kabila ng madaming pangako
Sabi nila masarap magmahal

Walang gagawin kundi magpasalamat sa may kapal

Sabi nila ang pag ibig ay walang hanggang ligaya

Pero bakit ang binigya mo ay sakit at pagdurusa?

Paano kung mali na?

Paano kung tinatanggap pa?

Paano ang sarili na ipagsisiksikan hanggang huli?
Sabi nila kelangang matuto

Sabi nila kelangang magbago

Sabi nila kelangang buksan ang puso sa iba

Kase para sa kanya, wala ka ng halaga

Sabi nila dapat ng kalimutan

Sabi nila dapat laging tandaan

Na ang pagmamahal ay hindi isang direksyon lamang

Sabi nila akoy gumising

Sa nila akoy mag mulat

Sa panaginip na magkahalo ang saya at saklap
Sabi nila ay lilipas din

Ang sakit ng aking damdamin

Sabi nila unti unting mawawala

Ang pagibig na iyong binalewala

Sabi nila na ibaling ang atensyon

Sa taong kayang magbigay panahon

Sabi nila pusoy maghihilom

Sa sugat na binigay mo kahapon

Mag-iwan ng puna